Thursday, February 24, 2011

Dating sikat na sexy actress, naghahanap ng booking?

ODK!: Mukhang naghihirap na ang isang dating sexy actress. Nauubos na kasi ang kanyang mga naipon mula sa showbiz. Nagulat na lang ang isang TV reporter na kaibigan ng sexy actress nang minsan niya itong pakiusapan na hanapan siya ng booking.
Ang pagkakaintindi ng TV reporter, nagpapahanap sa kanya ng male customer ang dating sexy actress. “Ano ako, bugaw? Hindi ako bugaw, ‘no?” sabi ng TV reporter.
Down na down na yata ang aktres, kaya mukhang kakapit na naman siya sa patalim at babalikan ang dati niyang pinanggalingan.

2 comments: